^

Bansa

Mall hours sa APEC baguhin - Win

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Valen­zuela Rep. Sherwin Gat­chalian ang Metro Manila Dev’t Authority (MMDA) na gumawa ng kasunduan sa may-ari ng mga mall para baguhin ang oras ng operasyon ng mga ito para sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC meeting sa susunod na linggo.

Ayon kay Gatcha­lian ang mas importante ay ang koordinasyon ng MMDA sa malls para makontrol ang dami ng shoppers na dadaan sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan para masiguro ang maayos na daloy ng trapiko habang dumadalo sa APEC events ang mga delegado.

Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas dahil na rin sa deklarasyon ng non-working holidays na umano’y tiyak na sasamantalahin naman ng mga tao para mag-malling.

Idinagdag pa nito, na maaaring hindi na magtungo sa mga probinsya ang mga tao dahil 2 araw lang naman ang holiday sa private sector bukod pa sa implementasyon ng no-fly zones.

Dapat ay dati na uma­nong ginawa ng MMDA ang koordinasyon sa mga mall para magkaroon ng adjustment sa kanilang operating hours para maiwasan ang road congestion.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

AYON

DAPAT

GATCHA

HINIKAYAT

METRO MANILA DEV

MGA

PARA

SHERWIN GAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with