Poe-Chiz nanguna sa survey ng Radio Mindanao Network

Senators Grace Poe at Chiz Escudero

MANILA, Philippines – Nangunguna ang tambalan nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero sa panibagong presidential survey na isinagawa ng Radio Mindanao Network (RMN) noong Oktubre 25 hanggang November 2, 2015.

Sa pinakahuling RMN survey, si Sen. Poe ay nakakuha ng 47. 57% ng total percentage of votes. Siya ay lumamang ng mahigit 24% sa sumusunod na si Vice President Jejomar Binay na may 23.54 %.

Pumangatlo si Sen. Miriam Defensor-Santiago (14.82%), samantalang si Mar Roxas ay nasa malayong distansiya na nakakuha lamang ng 9.6%.

Sa tanong na kung sino ang ibobo nila sa pagka-bise presidente, kung ang halalan ay gagawin sa naturang survey period, nanguna si Escudero na nakakuha ng 53.72% ng total percentage of votes.

Pumapangalawa si Sen. Bongbong Marcos na may 17.07% kasunod si Sen. Alan Cayetano (12.07%) at Rep. Leni Robredo (5.26%) sa pang-apat na puwesto.

Nakuha naman ni Sen. Gringo Honasan ang pang-limang puwesto (5.18%) at Sen. Sonny Trillanes (3.16%).

Ang mataas na percentage ratings na nakuha ni Poe sa RMN survey ay nagpapakita na hindi siya naaapektuhan ng mga isyung ipinupukol sa kanya, lalo na ang sunud-sunod na disqualification cases na isinampa laban sa kanya sa Comelec.

Magugunita na nilampaso rin nina Poe at Escudero ang mga kalaban sa nakaraang surveys ng Pulse Asia noong September 8 to 14.

Ayong sa Pulse Asia, si Poe ay iboboto ng 26% ng mga Filipino kung ang 2016 polls ay gaganapin noong September.

“This overall voter pre­ference puts her ahead of 11 other probable conten­ders for the presidency,” ayon sa Pulse Asia.

Samantala, sina Ro­xas, Binay at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay statistically tied sa 2nd place na may 20 percent, 19 at 16, ayon sa pagkakasunod.

Ang Pulse Asia survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 adult respondents.

Show comments