Pinas ang gumawa ng problema, sila dapat ang mag-ayos – China

MANILA, Philippines – Nakasalalay na lamang sa Pilipinas ang pag-aayos sa agawan ng teritoryo, ayon sa China ngayong Miyerkules.

"The person who caused the problem should solve it. We hope that the Philippines can make a more sensible choice," pahayag ni Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Naghain ng arbitration case ang Pilipina sa Permanent Court of Arbitration sa ilalim ng United Nations laban sa China kaugnay ng pinag-aagawang South China Sea.

Nito lamang ay napagdesisyunan ng Tribunal na diringgin nila ang reklamo ng Pilipinas, bagay na hindi naman pinansin ng China.

Inihalintulad ng China ang kaso ng Pilipinas sa isang “knot” o buhol na nakaaapekto anila sa relasyon ng dalawang bansa.

"We do not want this knot to become tighter and tighter, so that it even becomes a dead knot... As for how to loosen or open the knot, (we’ll) have to look at the Philippines," sabi pa ni Wang.

Nasa bansa ngayong ang ilang opisyal ng China upang paghandaan ang 23rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na gagawin sa Maynila sa susunod na linggo.

Nagkasundo naman ang dalawang bansa na hindi pag-uusapan ang isyu sa agawan ng teritoryo habang APEC Economic Leaders' Meeting.

Show comments