APEC delegates babantayan sa tanim bala
MANILA, Philippines – Siniguro ng Malacañang na hindi magiging biktima ng laglag-bala ang mga delegado ng APEC Summit.
Ayon kay Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras, 20 world leaders ang nagkumpirma ng pagdalo sa APEC Summit sa Nov. 18-19 sa PICC, kabilang sina US President Barrack Obama at Russian President Vladimir Putin.
Hinihintay pa ng Malacañang ang kumpirmasyon ni Chinese President Xi Ping.
Kabilang sa mga miyembro ng APEC ang bansang Australia, Brunei, Canada, Chile, China, Hongkong, Indonesia, Japan, Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, US, Vietnam at Pilipinas.
Kasabay nito, binuo na rin ng Department of Justice ang NBI Special Task Force na tututok sa imbestigasyon sa umano’y tanim-laglag bala sa NAIA.
Samantala naglabas ng abiso ang United Nations (UN) Department of Safety and Security para sa kanilang mga staff na nagtutungo sa Pilipinas na maging extra cautious lalo na kung nasa NAIA ang mga ito kaugnay ng tanim-bala scandal.
- Latest