Pagbasura sa PDAF suportado ni Robredo
MANILA, Philippines – Suportado ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo ang pagbuwag sa Priority Development Assistance Fund sa pagsasabing ang PDAF ay bukas sa pag-abuso sa diskresiyon na ibinibigay sa mga mambabatas.
“Iyong PDAF, grabeng discretion ang ibinigay. Iyong discretion ang nakakatukso na maabuso kaya naman tinanggal na iyon,” wika ni Leni Robredo na dating abogado sa Public Attorney’s Office. “Mas mabuti na ang lahat ng programa ay dadaan na talaga sa proper channels ng gobyerno. Sinisiguro na walang makakalusot na kaduda-dudang proyekto.”
Nang mabunyag ang PDAF scam ilang buwan matapos magsimula ang termino bilang mambabatas, isinulong ni Robredo ang patas na imbestigasyon ukol sa kontrobersiya.
Sa kasalukuyan, isinusulong ni Robredo ang isang sistema na magbibigay ng pagkakataon sa ordinaryong mamamayan, kahit sa barangay level, na magpanukala ng proyekto na sa tingin nila ay para sa kanilang ikabubuti.
- Latest