Panalangin, misa ialay sa mga yumao
MANILA, Philippines – Hindi umano sapat ang pagbisita, pagtitirik ng kandila at pag-alay ng bulaklak para sa pag-alala ngayong Undas sa mga namayapang mahal sa buhay kundi dapat na may panalangin at alayan din ng banal na misa.
Ito ang pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos dahil sa Pilipinas ay nakaugalian na ng mga Pinoy na alayan ng mga kandila at mga bulaklak ang puntod ng mga yumao kapag Araw ng mga Patay at mga Santo.
Gayunman, sinabi ng obispo na higit sa bulaklak at kandila, mas mahalagang alayan ng panalangin at banal na misa ang mga yumao para sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga ito.
Nangangailangan umano ng mga panalangin ang mga kaluluwa upang makatanggap ng kapayapaan sa piling ng Panginoon.
Sinabi naman ng obispo na dapat ding samantalahin ng mga tao ang Undas dahil ito ay pagkakataon din para pasalamatan ang Panginoon para sa bigay niya sa ating buhay.
- Latest