MANILA, Philippines – Simbahan na ang umapela kay Pangulong Aquino na ikonsidera ang Araw ng mga Kaluluwa bilang holiday o pagbibigay ng pagkakataon sa publiko na makadalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa mismong araw nito sa Nobyembre 2.
Sinabi ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, nakalulungkot na ang naging tradisyunal na pagdiriwang ng Undas ay tuwing Nobyembre 1 na para sa All Saints Day sa halip na hiwalay na araw na Nob. 2 para sa mga kaluluwa.
Bunsod nito, hinikayat ng Cardinal ang pamahalaan na maglaan ng tamang holiday declaration para kilalanin ang Nobyembre 2 na tamang araw upang gunitain ang mga kaanak na pumanaw.
“What happening is that, we many Filipinos, many Dioceses have emphasized All Saints” Day as the time of blessing the dead and blessing the grave. I think that’s a wrong one and a wrong message to give when the holiday is November 1 rather than November 2. I would think that the time to travel to the province would be November 1 and the actual honoring is November 2 and the time to return would be November 3,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam ng church-run Radyo Veritas
Iginiit naman ni Quevedo ang kahalagahan ng pananalangin hindi lamang sa mga kaluluwa ng mga kaanak kundi lalo para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa sa purgatoryo.