12 senatorial bets nina Poe, Escudero ipinakilala na

Inihayag dito ni Valenzuela City Rep. Win Gat­chalian ang kanyang legislative agenda sa sandaling manalong senador sa 2016 sa ilalim ng Partido Galing at Puso tandem nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero sa ginanap na proclamation rally kahapon sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City. Kasama si Rep. Gat­chalian sa 12 pambatong senador na ipinakilala ng Partido GP. “Ang pangarap ko po ay pangarap rin ng bawat Pilipino: de kalidad na edukasyon, disenteng trabaho at marangal na pamumuhay,” sabi ni Gatchalian. Si Gatchalian ang may-akda ng House Bill 5905 na nagsusulong ng “Free Higher Education Act” kung saan ay fully subsidize ang tuition fee sa lahat ng state universities and colleges na nakapasa na sa committee level ng Kamara.

MANILA, Philippines – Pormal ng ipinakilala kahapon ng tambalang Poe-Escudero ang 12 nilang kandidato sa pagka-senador sa 2016 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.

Si Cebu Rep. Ace Durano na tumatayong campaign manager ng team “Partido Galing at Puso” nina Poe at Escudero ang nagpakilala sa 12 senatorial candidates kabilang sina Sen. Ralph Recto; Sen. Tito Sotto; dating Senador Richard Gordon; dating senador Juan Miguel Zubiri; Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian; Manila Vice Mayor Isko Moreno; Pasig Rep. Roman Romulo; Susan “Toots” Ople; ACT-CIS partylist Rep. Samuel Pagdilao; Bayan Muna Rep. Neri Colmenares; Lawyer Lorna Kapunan at aktor na si Edu Manzano.

Sa panayam kay Poe, sinabi nito na hindi nila pagbabawalan ang kanilang mga kandidato na dumalo o umakyat sa entablado ng ibang presidential candidates.

Show comments