Lacson susuporta kay Roxas

Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Sinuportahan ni dating Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kandidatura ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa 2016 presidential elections matapos siyang matanggal sa listahan ng kandidato sa pagka-senador ni Sen. Grace Poe.

Ayon kay Lacson wala na siya sa listahan ni Poe dahil mas pinili umano sa kanyang ipalit ang aktor na si Edu Manzano.

“Yes that I’m supporting Mar Roxas for president. Pumayag ako na mag-guest candidate,” ani Lacson.

Ikinuwento pa nito na tinawagan siya ni Poe noong nakaraang Biyernes upang ipaalam na tatanggalin na siya sa kanilang senatorial slate.

“By the way Poe called me up last Fri and she requested that I’d be dropped from the senatorial slate to give way to another candidate, Edu Manzano,” ani Lacson.

Wala naman umanong problema kay Lacson kahit pa matanggal siya sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador sa ticket ni Poe at Sen. Francis Escudero.

“I said yes no problem with me. In the first place, being invited to be a guest candidate is just a privilege and it can be withdrawn anytime. Once you are invited, you can be disinvited,” ani Lacson.

Sa Huwebes inaasahang ihahayag ng kampo ni Poe ang kanilang mga kandidato sa pagka-senador sa 2016 elections.

Show comments