Haze sa Indonesia binabantayan - Palasyo

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ang pagkapal ng haze na naunang bumalot sa ilang bahagi ng Mindanao ay bunsod ng equatorial winds na pinaigting ng nagdaang bagyong Lando, base sa ulat ng PAGASA. AP file photo

MANILA, Philippines – Siniguro ng Malacañang na nakatutok ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang bantayan ang “haze” na sinasabing nagmula sa nasusunog na kagubatan sa Indonesia.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ang pagkapal ng haze na naunang bumalot sa ilang bahagi ng Mindanao ay bunsod ng equatorial winds na pinaigting ng nagdaang bagyong Lando, base sa ulat ng PAGASA.

Sinabi rin DENR Sec. Ramon Paje na minomonitor ng DENR sa Davao, Cotabato, Zamboanga at iba pang istratehikong lokasyon ang ambient air situation na ang pamantayan o standard ay particulate matter (PM) 2.5 microns na kung saan ay natutunton ang pinakapinong usok na maaaring may elementong abo o carbon sa himpapawid.

Gayunpaman, pinag-iingat ng DOH ang mga may sakit hinggil sa paghinga o respiratory diseases na gumamit ng face mask kung nasa lugar na may haze. Nakahanda namang magbigay ng kaukulang serbisyo medikal ang lahat ng pampublikong pagamutan sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao sa sinomang magkaroon ng kaugnay sa haze na sakit o sintomas partikular sa mga mayroong asthma o cardiopulmonary obstructive disease (CPOD).

Show comments