Miriam ‘di maglalabas ng medical records

Sen. Miriam Defensor Santiago. Philstar.com/Joyce Jimenez

MANILA, Philippines – Walang balak si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ilabas ang kanyang medical records na magpapatunay na nalampasan na niya ang sakit na cancer.

Ayon kay Santiago, mayroon siyang “right to privacy” at sinumang nagnanais makita ang kanyang medical record ay maaring magtungo sa St. Luke’s Global sa Makati City at doon mag-request.

Ginawa ni Santiago ang pahayag matapos lumabas sa social media ang isang open letter para kay Santiago ng isang Dr. Sylvia Estrada Claudio na humihiling sa senadora na patunayang nalampasan na niya ang sakit na cancer at kaya nitong magsilbi ng anim na taon sakaling manalong presidente ng bansa.

“The American Cancer Society states that the percentage of patients who live at least 5 years after their Stage 4 lung cancer is diagnosed is 1%. And there is nothing in the literature that talks about cure. In the harsh words of the medical profession, the cancer is incurable,” ani Claudio sa kanyang sulat kay Santiago.

Lumabas ang sulat noong Biyernes matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections si Santiago.

Show comments