^

Bansa

Panibagong disqualification vs Poe inihain ni ex-Sen. Kit Tatad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa pang disqualification case ang haharapin ni Sen. Grace Poe matapos na isampa ito ni  dating  Senador Francisco “Kit” Tatad sa Commission on Elections (Comelec).

Nakasaad sa kasong isi­nampa ni Tatad, na hindi umano dapat na payagang tumakbo sa  2016 elections si Poe dahil sa paglabag nito  sa Article 7, Section 2 ng Constitution kung saan nakatala ang kuwalipikasyon ng mga presidential candidates.

Kasama ni Tatad si Atty. Manuelito Luna na kumatawan sa natalong senatorial candidate na si Rizalito David na unang nagsampa ng disqualification case laban kay Poe sa Senate Electoral Tribunal. 

Partikular na tinukoy ni Tatad ang umano’y hindi pagiging natural-born Filipino ni Poe dahil ito ay isang ampon na walang makapagsabi  kung sino ang  kanyang tunay na  magulang.

Nabigo din si Poe na kum­pletuhin ang kanyang 10-year residency requirement na nakasaad sa Constitution.

Ayon naman kay Valen­zuela City Mayor Rex Gat­chalian na tumatayong spokesperson ni Poe itinuturing nila itong “dirty tactic” sa pagtakbo sa pagkapangulo ng senador.

Matatandaang nagsampa rin noong nakaraang linggo ng  disqualification case si Atty. Estrella Elamparo laban kay Poe kung saan kinuwestiyon din ng una ang kakulangan sa mga kuwalipikasyon ng senador upang tumakbo sa 2016 elections.

 

ACIRC

CITY MAYOR REX GAT

ESTRELLA ELAMPARO

GRACE POE

MANUELITO LUNA

NBSP

POE

RIZALITO DAVID

SENADOR FRANCISCO

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

TATAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with