MANILA, Philippines – Nakapasok na sa Philippine area of responsibility ngayong Miyerkules ng hapon ang bagyong “Lando,” ayon sa state weather bureau.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 1,140 kilometro silangan ng Luzon bandang alas-2 ng hapon.
Wala namang nakataas na public storm warning signal sa bansa.
NASAHIN: Bagyong ‘Lando’ papasok sa PAR Miyerkules ng hapon
Inaasahang nasa 990 kilometro silangan ng Luzon ang bagyo bukas, 560 kilometro hilaga-silangan ng Baler, Aurora sa Biyernes at 40 kilometro hilaga ng Aparri, Cagayan sa Linggo.