Rep. Villar atras sa pagka-senador

MANILA, Philippines - Hindi na tatakbo sa pagka-senador sa 2016 elections si Las Piñas Rep. Mark Villar.

Sinabi ni Villar na ito ang kanyang napagdesis­yunan matapos ang pakikipag-konsultasyon sa kanyang pamilya at constituents.

Kaya sa halip na tumakbong senador ay kakandidato na lamang uli ito bilang kinatawan ng Las Piñas dahil sa paniwalang marami pa siyang dapat gawin sa Kamara.

Bukod dito gusto rin umanong mag-focus sa adbokasiya ng kongresista na kanyang nasimulan noong unang termino habang magkakaroon din ito ng mas mahabang oras sa kanyang bagong panganak na asawa na si Congresswoman Emmeline Aglipay.

Nagpasalamat naman si Villar sa mga sumuporta sa kanya at sa pagkakasama nito sa mga poll surveys ng mga may potensyal na makapasok sa Senado.

Show comments