Senatorial ‘dream team’ ni Duterte inilabas

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagtanggi ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016, naglabas ang kaniyang kampo ng listahan ng mga senatorial candidate.

Ibinahagi ng kaalyado ni Duterte at dating North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol ang senatorial slate “dream team” ng alkalde nitong kamakalawa.

Pasok sa listahan niya sina:

  •     Dating Sen. Panfilo "Ping" Lacson
  •     Manila Vice Mayor Isko Moreno
  •     Sen. Sergio "Serge" Osmeña III
  •     boxing icon and Sarangani Rep. Manny Pacquiao
  •     ACT-CIS Rep. Samuel Pagdilao
  •     Leyte Rep. Martin Romualdez
  •     Las Piñas Rep. Mark Villar
  •     Dating Sen. Miguel "Migz" Zubiri

Ayon sa ulat, hindi pa nakokonsulta ni Duterte si PDP Laban head Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III sa pagkuha niya kay Zubiri.

Ituturing na guest candidates ni Duterte ang mga naturang pangalanang nabanggit, ayon kay Piñol.

Nagpaalala naman ang kampo ng alkalde sa gastusin ng mga tatakbong senador.

"We have no money to give to those who are running for the Senate. They will have to finance their own campaign. But they will gain a lot of votes from Duterte's die-hard supporters," sabi ni Piñol.

Show comments