MANILA, Philippines – Pumanaw na sa edad na 88 si dating Senator Joker Arroyo sa isang hindi pinangalanang ospital sa Amerika pagkatapos sumailalim sa operasyon sa puso.
Noong Lunes pa pumanaw si Arroyo, pero hindi kaagad ito inilabas sa media bilang paggalang na rin sa kahilingan ng pamilya na magkaroon ng privacy at manatili ang pagkakakilala sa senador bilang “citizen joker”.
Nakilala si Arroyo bilang pinakamatipid na senador na tatlo lang ang staff na kinabibilangan ng kanyang driver, secretary at isang legislative assistant.
Sa loob ng 12 taon na nanungkulan si Arroyo bilang senador, hindi nito ginamit ang kanyang P200 milyon taunang pork barrel funds o Priority Development Assistance Fund.
Unang nanilbihan si Arroyo bilang executive secretary noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.