^

Bansa

Gilas Pilipinas paparangalan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit hindi nasungkit ng bansa ang gold sa FIBA Asia basketball championship, paparangalan pa rin ng Senado ang Gilas Pilipinas.

Maghahain ng isang resolusyon si Senator Sonny Angara upang papurihan ng Senado ang ipinamalas na galing ng koponan ng Pilipinas na nasungkit ang silver medal.

“Silver medalist man tayo sa FIBA, pinatutu­nayan pa rin ng koponang Pilipinas na isa talaga tayo sa mga koponang dapat katakutan sa basketball,” ani Angara.    

Hindi rin aniya dapat ikahiya ang silver medal na nakuha ng Pilipinas  at dapat ipagmalaki kahit pa mas malakas ang pinakahuling kalaban na China.

“Silver ang nakuha natin, pero hindi natin dapat ikahiya ‘yan. Dapat ipagmalaki pa natin dahil kahit masasabing malakas na koponan ang China, masuwerte tayong tayo ang nakaharap nila. Patunay yan na ang lakas nila ay katumbas din ng ating lakas sa larangan ng basketball,” ani Angara, chairman ng Senate committee on games, amusement and sports. 

Ang Gilas Pilipinas aniya ang nagparamdam sa bansa ng karangalan sa kasagsagan ng torneo.

 Partikular na pinaha­lagahan ni Angara, awtor at sponsor sa naturalization ni Andre Blatche, si Manny V. Pangilinan, pangulo ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas dahil sa di matatawarang suporta nito sa basketball program ng bansa. 

“Dinamdam man natin ang pagkatalo, masasabi pa rin nating wagas ang determinasyon at ipinakitang pagsisikap ng Gilas sa laban. Hindi nila inalintana ang hirap at pagkabigo, kundi naging inspirasyon pa ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa ni Angara.

ACIRC

ANDRE BLATCHE

ANG

ANG GILAS PILIPINAS

ANGARA

GILAS PILIPINAS

MANNY V

NBSP

PILIPINAS

SENADO

SENATOR SONNY ANGARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with