MANILA, Philippines — Nakatakda nang magbitiw bilang Justice Secretary si Leila de Lima upang maghanda para sa kaniyang pagtakbo bilang senador sa 2016.
Sinabi ni de Lima sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel na sa Oktubre 12 ang kaniyang huling araw sa opisina.
Mayroon nang papalit sa puwesto ni De Lima na aniya’y napagkasunduan nila ni Pangulong Benigno Aquino III.
Aniya tutukan niya ng pansin ang electoral at human rights reforms kung mailuluklok man siya sa senado.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay nakakuha si De Lima ng 35.2 percent.
Samantala, ipinakilala ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas si Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang kaniyang running mate.
Inaasahang kabilang sa senatorial slate ng LP si De Lima at ang mga dati at kasalukuyang senador na sin Senate President Franklin Drilon, Sen. TG Guingona at dating senador Kiko Pangilinan, habang nakatakdang ipakilala pa ang kanilang makakasama.