Duterte gustong ka-tandem si Alan
MANILA, Philippines - Pabor si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano bilang running mate kung matuloy ang pagtakbo bilang Presidente sa darating na eleksyon.
Ayon kay Duterte, bukod sa abogado si Cayetano, marunong rin umano ito at magaling magpaliwanag.
“Si Alan? Of course. He is a lawyer. He’s very articulate, marunong,” sabi ni Duterte nang tanungin ng mga reporter sa Davao kung sa tingin niya’y kaya ni Cayetano na maging Bise Presidente ng bansa.?
Matatandaan na naghapunan ang alkalde kasama si Cayetano noong Martes (Set. 29), kung kailan nag-anunsyo rin ang senador ng pagtakbo para sa pagka-bise sa Davao City.
Kinumpirma ni Duterte na nagkaroon sila ni Cayetano ng pag-uusap tungkol sa posibilidad ng pagtatambal para sa 2016, pero agad rin nitong nilinaw na wala pa siyang pinal na desisyon kung tatakbo sa kabila ng kampanya ng ilang sektor na kumandidato siyang pangulo ng bansa
“We were just making some projections. We also talked about team-ups and tandems, but nothing definite. Hanggang ngayon, sabi ko, hindi pa naman ako kandidato,” ani Duterte.
- Latest