^

Bansa

Pagtatago ng bigas HCPTI pinasisiyasat sa NFA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mahaharap sa patung-patong na kaso ang Harbour Center Port Terminal Incorporated (HCPTI) bunsod umano ng pagtatago nito ng bigas ng National Food Authority (NFA) ng walang  permit.

Ito naman ang binigyan diin ni National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) spokesperson BenCy Ellorin kasabay ng kahilingan ng mga ito sa NFA na siyasatin ang alegasyon na nagtatago ng tone-toneladang NFA rice ang HCPTI.

Ayon sa grupo, kailangang kumilos ang NFA dahil maliwanag na paglabag ito sa government rules. Kung saan tanging ang mga NFA-accredited warehouses ang pinapahintulutang magtabi ng bigas.

Nakasaad na paglabag  ang ginawa ng  HCPTI sa Republic Act No. 7581, o ang  Price Act Law, na may parusang  pagkakakulong ng  lima hanggang 15 taon  bukod pa sa pagkakatanggal ng  accreditation at paglalagay sa blacklist.

Sinabi pa ng NCFC na nakatanggap sila ng  report na ang warehouse ng HCPTI ay may nakaimbak na  NFA rice sa kabila ng kawalan ng accreditation  mula sa NFA. Nangangamba din ang grupo na posibleng ginagamit ang HCPTI ng mga smuggler upang manipulahin ang presyo ng  bigas sa merkado.

ANG

AYON

ELLORIN

HARBOUR CENTER PORT TERMINAL INCORPORATED

ITO

NATIONAL COALITION OF FILIPINO CONSUMERS

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NBSP

NFA

PRICE ACT LAW

REPUBLIC ACT NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with