^

Bansa

Debate sa local candidates plano rin ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagpaplanuhan din ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng debates para sa mga local candidates ng May 9, 2016 elections.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista , plano nilang maglaan ng  isang malaking lugar upang maihayag ang kanilang mga plataporma ng kandidato.

“We want these debates to be replicated in the local level,” ani Bautista.

Paliwanag ni  Bautista, hinihikayat nila  ang local Comelec offices na magsagawa ng political  debates sa mga provincial, city, at municipal level katuwang ang  ilang  local media group at  civil society groups.

Nakipagpulong na ang Comelec sa ilang mga kinatawan ng media organizations bilang paghahanda sa presidential at vice presidential debates  para sa nalalapit na halalan.

Kasabay nito, nilinaw ni  Bautista na boluntaryo ang pagsali ng mga kanidato sa debate. Itinakda na rin nito ang presidential debates.

Ang unang presidential debate (Mindanao) ay sa February 9-22 ; 2nd presidential debate (Visayas) March 8-21;  third presidential debate (Luzon) April 12-25 habang ang vice presidential debate ay gagawin sa  Metro Manila mula April 4 - 8 ng susunod na taon.

Kabilang sa mga tatalakayin ay agricultural development, po­verty reduction, Charter change, peace and order, disaster preparedness, healthcare, education, corruption, public transportation, traffic, electoral reforms, foreign policy, tax reform, at national defense.

ACIRC

ANG

AYON

BAUTISTA

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

ITINAKDA

KABILANG

METRO MANILA

NBSP

PRESIDENTIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with