^

Bansa

15 dayuhan huli sa aktong nagdo-droga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing-limang dayuhan ang nadakip nang maaktuhang guma­gamit ng droga matapos salakayin nang pinagsanib pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Pasay City Police ang isang KTVbar sa  na­turang lungsod kahapon ng madaling araw.

Ang mga suspek ay pawang mga Singaporean at Hong Kong nationals. Base sa report na natanggap ng Pasay City Police, ala-1:00 kahapon ng madaling araw nang salakayin nang pinagsanib na pwersa ng NBI at Anti-Illegal Drugs ng Pasay City Police  ang 66KTV Bar, na matatagpuan sa AVIA International Club,  Manlunas St., New Port ng naturang lungsod.

Ito’y matapos na makatanggap ng intelligence report  ang mga awtoridad hinggil sa illegal na gawain ng mga ito, kung kaya’t kaagad silang  nagsagawa ng surveillance operation kasunod ang pagsalakay.

Ayon sa report, naaktuhan ng mga mga awtoridad  ang mga mga suspek  na nag-pa-pot session sa loob ng VIP room,  na pawang mga babae at lalaki kasama ang ilang mga Guest Relation Officer (GRO) ng KTV bar. Kung saan gumagamit ang mga ito ng  ang party drugs at cocaine, dahilan upang kaagad  dakpin ang mga suspek  at dinala ang mga ito sa NBI.

Sumasailalim ngayon sa masusing imbestigas­yon ang  nadakip na mga suspek at sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act.

ACIRC

ANG

GUEST RELATION OFFICER

HONG KONG

INTERNATIONAL CLUB

MANLUNAS ST.

MGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBSP

NEW PORT

PASAY CITY POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with