^

Bansa

Villar, hiniling sa DA na gumawa ng mas maraming gatas para matugunan ang malnutrisyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Sen. Cynthia Villar sa Department of Agriculture (DA) na gumawa ng mas maraming gatas para matugunan ang problema sa malnutrisyon ng bansa.

“I discovered that we only produce 1% of our demand for milk. That’s very low. We are now looking at programs that will help improve our dismal milk production,” ani Villar sa pagdinig sa panukalang P90 bilyong budget ng Department of Agriculture (DA).

Ninety-nine percent anya ng dairy needs ng bansa ay imported mula sa Australia, New Zealand at Estados Unidos.

“I am saddened by the fact that we are depending on imported milk for our needs. Kahit importante ang gatas, marami ang hindi makainom kasi mahal ang imported milk. This is why malnutrition persists among the poor,” sabi pa ni Villar, chairman din ng committee on agriculture and food.

Sinabi ni Villar na dapat na pangunahan ng Philippine Carabao Cen­ter (PCC) at ng National Dairy Authority (NDA) ang gawaing ito.

Una ng tiniyak ni Finance Committee Chair Sen. Loren Legarda na susuportahan ang budget sa programa sa pagkakaroon ng mas maraming dairy products.

“I suggested to dairy cooperatives to host milk-feeding programs in schools in their communities. If we can aim for one cooperative for each of the 1,600 municipalities, we can provide livelihood to farmers and at the same time address malnutrition among our school children in the countryside,” ani Villar.

Nagpanukala ang NDA ng P170 milyong budget sa susunod na taon upang magamit sa pagtatayo ng foundation stock ng dairy animals.

Sinabi ni Grace Cenas, NDA administrator na pagsisikapan nilang mapataas ang bilang ng milking animals mula sa kasalukuyang 45,000 sa 500,000 upang maging self-sufficient tayo sa gatas.

Nanawagan din ang Nacionalista Party senator sa NDA na sundan ang lead ng PCC at maghanap ng foreign grants para pondohan ang pagpapagawa ng modern facilities at makakuha ng mahahalagang kagamitan.

ACIRC

ANG

CYNTHIA VILLAR

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ESTADOS UNIDOS

FINANCE COMMITTEE CHAIR SEN

GRACE CENAS

LOREN LEGARDA

NACIONALISTA PARTY

NATIONAL DAIRY AUTHORITY

NEW ZEALAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with