4 bansa may travel warnings vs Pinas
MANILA, Philippines - Iginagalang ng Malakanyang ang pag-iisyu ng travel warnings ng Canada, United Kingdom, Australia at New Zealand laban sa Pilipinas.
Itoy matapos ang kidnapping ng 2 Canadian, isang Norwegian at isang Pilipina sa Samal island, Davao del Norte.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na naiintindihan nila ang pagpapalabas ng travel advisory ng ilang embahada sa Pilipinas dahil karapatan nila na matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.
Bilang tugon, iginiit ng kalihim na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga dayuhan sa bansa at masabat ang mga kriminal.
Binalewala rin ng Palasyo ang posibleng implikasyon sa tourism industry ng nasabing insidente dahil isang isolated case lamang ito, sa nakalipas na 14 taon.
- Latest