Comelec naghahanap ng warehouse
MANILA, Philippines – Magsasagawa ng Negotiated Procurement ang Commission on Election (Comelec) para sa rerentahang warehouse na paglalagakan ng mga election materials, equipment at paraphernalia para sa 2016 elections.
Sa inilabas na Notice of Conduct of Negotiated Procurement, ang pag-upa sa warehouse ay tatagal ng isang taon.
Mahigit P70 milyon ang pondong inilaan ng Comelec para sa nasabing pasilidad.
Ang mga interesadong lumahok sa negotiated procurement ay pinagsusumite ng final offer hanggang Oktubre 3, 2015 sa Comelec Administrative Services Department.
Hindi umano tatanggapin ng Comelec ang mga mag-aalok ng mas mataas sa inaprubahang badyet ng Comelec.
Ang warehouse ay dapat nasa lugar na hindi binabaha, malapit sa mga access road, may total usable area na hindi bababa sa 25 libong metro kwadrado at may sapat na lugar para sa paradahan ng hindi bababa sa 10 trak at mga service vehicle.
- Latest