^

Bansa

‘No garage, no car’ pinamamadali na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinamamadali ni Valenzuela Rep. Sherwin Gat­chalian ang pagsasabatas ng panukala na magtatakda sa mga bibili ng sasakyan na magpakita muna ng katibayan na mayroon silang garahe.

Sa hearing ng House Committee on Transportation, umapela si Gatchalian para suportahan ang kanyang House Bill 5098 o proof of parking space act.

Nakasaad sa panukala na bago bumili ng sasakyan ang isang indibidwal ay dapat muna itong magpakita ng katibayan na mayroon siyang parking.

Layunin umano nito na maiwasan na gawing parking lot ang mga kalsada na isa sa mga dahilan ng matinding traffic sa Metro Manila.

Suportado naman ni PNP Highway Patrol Group Chief Supt Arnold Gunnacao ang panukalang No Garage, No Car Policy.

Giit ni Gunnacao dapat talagang gawing no parking zones ang lahat ng kalsada para magamit ng publiko partikular na ng mga motorista.

Wala pa naman pahayag ang mga car dealers at manufacturers sa bagay na ito subalit inaasahang ipapatawag sila sa mga susunod na pagdinig.

ACIRC

ANG

GATCHALIAN

HIGHWAY PATROL GROUP CHIEF SUPT ARNOLD GUNNACAO

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

METRO MANILA

NO CAR POLICY

NO GARAGE

SHERWIN GAT

VALENZUELA REP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with