Bebot binaunan ng bala sa sentido

MANILA, Philippines – Butas ng bala ang sentido na tumagos sa likod ng ulo ang dahilan ng kagyat na kamatayan ng isang 56-anyos na babae sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Susan Villanueva, alyas­ Susan Kalabaw at residente ng Building 21, Permanent Housing, Tondo.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa pagitan ng Bldg. 9 at 10, sa Perma­nent Housing, Tondo.

Nabatid na umalingawngaw ang dalawang putok ng baril at pagkatapos nito ay nakita  sa pagitan ng dalawang building­, sa ibaba ang duguang biktima na nakabulagta

Malapitang binaril ang biktima na hinihinalang iligal na droga ang dahilan.

Patuloy pa ring sinisiyasat ang insidente.

Show comments