MANILA, Philippines - Nasa tuktok pa rin si Sen. Grace Poe sa pinakabagong presidential survey ng Social Weather Stations.
Napanatili ni Poe ang kaniyang pwesto, kung saan tumaas pa ng limang puntos ang kaniyang rating sa 47 percent mula sa 42 percent niya noong Hunyo.
Samantala, umakyat naman sa ikalawang pwesto ang Liberal Party standard bearer na si Mar Roxas na may 39 percent, habang bumaba sa ikatlong pwesto si Bise Presidente Jejomar Binay na may 35 percent.
Umabot sa 18 puntos ang iniakyat ng rating ni Roxas mula sa 21 percent niya noong Hunyo.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 2-5 ilang linggo matapos ipakilala ni Pangulong Benigno Aquino III si Roxas na magpapatuloy ng "Daang Matuwid."
Nadagdagan naman ng isang puntos si Binay mula sa kaniyang 35 percent ngunit hindi naging sapat upang maunahan ang kaniyang mga kalaban.
Hindi umabot sa naturang survey ang pagdedeklara ni Poe ng kaniyang kandidatura kasama ang runningmate na si Sen. Francis Edcudero.
Tinanong sa 1,200 respondents kung sino sa tingin nila ang papalit sa pababa nang si Aquino.