Enrile ‘di pa ligtas sa pork barrel scam

MANILA, Philippines – Hindi makakaligtas sa kanyang pork barrel scam case si Sen. Juan Ponce Enrile.

Ito ang tiniyak ni Atty. Levito Baligod ng prosekusyon bilang reaksiyon sa pahayag ng DOJ prosecutors na wala silang ebidensiya na tumanggap ng kickback na P172 milyon si Enrile mula sa kanyang pork barrel fund.

Ayon kay Baligod, totoong di direktahang tumanggap ng kickback si Enrile sa kanyang PDAF pero ang pera ay naidaan sa chief of staff na si Atty. Gigi Reyes na kapwa nito akusado sa naturang kontrobersiya.

Anya, madidiin si Enrile sa isyu ng conspiracy dahil na rin sa pirma mismo ng mambabatas sa pag-endorso sa ilang NGOs ni Janet Lim Napoles para paglaanan ng kanyang PDAF at inamin din noon ni Enrile sa Commission on Audit na kanya nga ang pirma.

Si Enrile ay patuloy na nakalalaya sa bisa ng P1.5 milyong piyansa.

Show comments