^

Bansa

Leni handa na sa hamon bilang VP

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglatag si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ng mga kondisyon para tanggapin niya ang alok bilang pambato ng Liberal Party sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Cong. Rob­redo, makukuha ng LP ang matamis niyang “oo” kapag naramdamang siya lang ang karapat-dapat at natatanging kandidato para sa posisyon.

“Kailangan indispen­sable, that I am the only one who can fill that gap. Ang pagtakbo ko sa Congress, kahit ayaw na ayaw ko, alam ko ako lang ang makaka(fill),” wika ni Cong. Robredo.

“Masasagot ko lang siya ng oo if I feel I am the only one who can do it,” dagdag niya.

Ayon kay Robredo, ito ang dahilan kung bakit siya pumayag na tumakbo bilang mambabatas noong nakaraang eleksiyon.

“Pumayag akong tumakbo noon upang matiyak na hindi mahahati ang aking partido at makakapagsimula tayo ng pagbabago sa ating distrito,” paliwanag niya.

Ipapaalam ni Cong. Robredo ang kanyang pinal na desisyon sa 2016 bago matapos ang buwang ito, kasabay ng paglabas ng survey rating.

Humihingi rin si Cong. Robredo ng gabay mula sa yumaong asawa na si Interior Secretary Jesse Robredo. “Pinagdadasal ko lang na sana tulungan ako, hindi naman na magdesisyon kundi to lead me in the right direction,” wika niya.

ACIRC

ANG

AYON

CAMARINES SUR REP

HUMIHINGI

INTERIOR SECRETARY JESSE ROBREDO

IPAPAALAM

KAILANGAN

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with