^

Bansa

Kiko Pangilinan nagbitiw sa gabinete ni Pnoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbitiw na si dating Sen. Francis Pangilinan bilang presidential assistant for food security and agricultural modernization.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Pangilinan na effective sa katapusan ng buwan.

"The president expressed his sincerest appreciation to Secretary Pangilinan for his contribution to the government during his stint as PAFSAM and wished him the best in his future endeavors," pahayag ni Coloma.

Samantala, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na tatakbong muli sa Senado si Pangilinan.

"Regarding my future plans, the official announcement will come in due time," pahayag ni Pangilinan sa isang text message.

Sinabi pa ni Pangilinan na nakipagpulong siya kay Aquino dalawang linggo na ang nakaraan tungkol sa kaniyang pagbibitiw at nitong nakaraang linggo lamang niya ibinigay ang kaniyang  resignation letter.

Sa Oktubre na ang pasahan ng certificate of candidacy para sa mga nais tumakbo sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

AQUINO

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

FRANCIS PANGILINAN

NAGBITIW

PANGILINAN

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SA OKTUBRE

SECRETARY PANGILINAN

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with