MANILA, Philippines – Bubusisiin na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang bilis ng internet nationwide.
Ito ayon kay Engr. Edgardo Cabarrios, direktor ng NTC ay upang malaman kung sinusunod ng mga cellphone company ang naipapangakong bilis ng internet gaya ng kanilang mga commercials kumpara sa naibibigay na serbisyo sa kanilang mga kliyente.
Anya, kung 1Mbps ang speed limit nila gaya ng pinapakita sa kanilang mga commercials, dapat ganito din ang naibibigay na speed limit sa mga kliyente.
Sinabi ni Cabarrios na oras na pagsabihan ang mga service providers at iisnabin sila ay agad nila itong kakasuhan.
Agad din anyang dadalhin ang reklamo sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa mas matinding parusa laban sa mga pasaway na providers.