^

Bansa

Isko sa mga motorista: Traffic signs sundin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling umapela sa motorista si Manila Vice Mayor Isko Moreno na sundin lamang ang mga traffic sign at regu­lations upang hindi na makadagdag pa sa pagsisikip ng  daloy ng  trapiko.

Ang panawagan ni Moreno ay bunsod na rin ng  patuloy na paglabag ng ilang motorista sa kabila ng malalaking traffic signs.

Aniya, nagbubulag-bulagan na lamang ang mga motorista sa kanilang mga pinaiiral na  batas.

Nakalulungkot lamang na sa kabila ng  pagpapatupad ng batas, ang mga tauhan pa ng  Manila Traffic and Parking Bureau  (MTPB) at  Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang  narereklamo.

Mas dapat umanong alamin ng mga pribadong indibiduwal at  motorista ang kanilang responsibilidad sa lipunan tungo sa  pagbabago at pag-angat ng Maynila.

Paliwanag ni  Moreno, matagal na nasanay ang mga motorista sa maluwag na sistema ng lungsod kaya’t mahirap sa mga ito na sundin ang  tamang regulasyon at batas.

Nanawagan din si Moreno sa mga vendors na huwag  sakupin ang daanan ng mga sasakyan upang hindi na makadagdag pa ng pagsisikip sa daanan ng mga sasakyan.

 

ACIRC

ANG

ANIYA

MANILA DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

MGA

MORENO

NAKALULUNGKOT

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with