Ex-solon swak sa ‘pork’ scam
MANILA, Philippines - Dahil sa paglalagay ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na may halagang P20,060,000.00 sa sarili nitong NGO, kinasuhan ng graft ng tanggapan ng Ombudsman si ex-Isabela Rep. Anthony Miranda.
Ito ay makaraang makakita ng probable cause ang Ombudsman para maidiin sa kasong paglabag sa 2 counts ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at dalawang counts ng Malversation si Miranda.
Sa 41 pahinang resolusyon ng Ombudsman, nakasaad dito na ang PDAF ni Miranda na may halagang P20,060,000.00 ay sinabing inilaan sa livelihood projects sa kanyang distrito pero lumilitaw na wala namang naisagawang proyekto para dito ang dating mambabatas. Sinasabing sa halip na kontrolin ni Miranda ang naturang pondo, idinaan ang pondo sa kanyang sariling NGO, ang AMFI.
Hanggang ngayon, ang P20M PDAF ni Miranda ay nananatiling unliquidated.
Pinabibigyan naman ni Ombudsman Morales ang Anti-Money Laundering Council ng kopya ng Joint Resolution sa posibleng paglabag ni Miranda sa Anti-Money Laundering Act.
- Latest