MANILA, Philippines – Aabot sa 10.5 milyong adult Filipinos sa bansa o 23.2 percent ang walang trabaho, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa ikalawang quarter ng taon.
Tumaas ang bilang ng unemployment mula sa 19.1 percent o nasa siyam na milyong Pilipino nitong Marso.
Lumabas sa pag-aaral na 10 percent o 4.4 milyong Piliino ang nawalan ng trabaho, habang 11 percent o 4.7 milyon ang kusang umalis sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Kung ikukumpara sa unang quarter ng taon, pitong porsiyento lamang ang iniwan ang kanilang trabaho, habang natanggal.
Mas maraming babae naman ang walang trabaho na umabot sa 31.3 percent nitong Hunyo, mas mataas sa 27.6 noong Marso, habang dumami rin ang mga lalaking tambay sa 16.9 percent mula sa 12.2 percent.
Sinasabing unemployed ang isang tao kung wala siyang trabaho at naghahanap ng trabaho.
Isinagawa ang naturang survey nitong Hunyo 5 hanggang 8, kung saan 1,200 respondents ang kinuha.