MANILA, Philippines – Aminado ang Malacañang na kinakapos na ang panahon upang maipasa ng Kongreso ang Bangsamoro Basic Law.
“Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa mga lider ng Kongreso hinggil sa napapanahong pagpasa ng Bangsamoro Basic Law,” wika pa ni Communication Secretary Herminio Coloma Jr. sa media briefing.
“Batid natin na habang lumalaon ay umiikli ‘yung panahon para matamo ang layuning ito, ngunit kinakailangan pa ring kilalanin ‘yung kahalagahan ng pagtataguyod sa proseso ng pangkapayapaan,” paliwanag pa ni Coloma.
Maging si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ay naunang nagsabing imposible nang maipasa pa ng Kongreso ang BBL dahil kapos na sa panahon.
Lalong lumabo na maipasa ito matapos gumawa ng sariling version si Sen. Ferdinand Marcos Jr. na chairman ng senate committee on local government.