Customs sa OFWs: Sorry
MANILA, Philippines — Humingi ng tawad ang Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Alberto Lina ngayong Huwebes sa mga overseas Filipino workers (OFW) kasunod ng isyu sa mga balikbayan box.
Inamin ni Lina sa pagdinig ng Senate committee on ways and means na nagbukas sila ng mga balikbayan box mula sa Amerika at limang containers mula sa Hong Kong.
"Ako'y nag-so-sorry kung mayroon kaming natapakan d'yan. Hindi kami nantatapak sa mga OFW. I give my 200 (percent) support for them. Hintayin ninyo ang bago naming procedures," pahayag ni Lina.
Samantala, naglabas ng memo ang Customs kahapon upang ipagbawal na ang random physical inspection ng mga balikbayan box na naglayong masugpo ang smuggling.
Mula ngayon ay daraan sa X-ray ang mga padala upang masuri ang loob nito nang hindi binubuksan.
Binatikos ang Customs dahil sa naturang proseso dahil sa umano’y paglabag sa karapatan ng mga OFW.
- Latest