^

Bansa

PNoy kay Mar: ‘Tulong sa typhoon victims tiyakin’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan kahapon ni Pangulong Aquino si DILG Secretary Mar Roxas na personal na dalawin ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Ineng upang tiyaking makararating ang tulong ng pambansang pamahalaan dito.

Kasunod nito, nagtungo si Roxas sa Benguet upang makipagpulong kay Gobernador Nestor Fongwan at ang Provincial Disaster Risk Reduction Managament Council. Dahil sa malakas na ulan ay nagkaroon ng landslide sa bayan ng Mankayan kung saan 3 ang patay at 13 pa ang nawawala. Nakiramay naman si Roxas sa mga pamilya ng nasawi. “Nalulungkot tayo sa bilang ng mga nasawi at missing,” sabi niya. Sinigurado naman ni Roxas na tuloy-tuloy ang tulong ng gobyerno para sa mga nawawala.

“All out ang ating search and rescue ope­rations. Inaccessible ng mga heavy equipment ang Mankayan kaya mano-mano itong hinuhukay ng ating mga bumbero at kapulisan,” sabi ni Roxas.

Ipinag-utos din ni Roxas ang isang food caravan para sa Benguet. “Ang DILG at ang PNP ay gagawa ng food caravan para itong mga gulay na ito ay maiparating natin sa lowlands ang mga produkto at nang walang sobrang pagtaas ng presyo,” sabi ni Roxas sa PDRRMC.

Dinalaw din ni Roxas ang bayan ng Santa, Ilocos Sur na na-isolate pagkatapos bumagsak ang panandaliang tulay sa lugar. Napinsala ang Bailey bridge noong dumaan ang bagyong Mario kaya’t panandaliang tulay lamang ang nakalagay dito.

Noong Linggo ay ipinag-utos na ni Roxas sa PNP na gamitin ang mga assets nito para marating ang Santa. Inikot ni Ro­xas at ng mga kawani ng DSWD at DPWH kasama ang mga lokal na opis­yal ang naging pinsala upang mahanap ang mga agarang solusyon sa mga problemang dinulot ng bagyo.

ACIRC

ANG

BENGUET

GOBERNADOR NESTOR FONGWAN

ILOCOS SUR

MANKAYAN

MGA

NOONG LINGGO

PANGULONG AQUINO

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGAMENT COUNCIL

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with