^

Bansa

Pemberton inamin ang pagpatay kay Laude

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ni United States Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ngayong Lunes na sinakal at napatay niya si Filipino transgender Jeffrey "Jennifer" Laude noong Oktubre 2014.

Iginiit ni Pemberton sa Regional Trial Court Branch 74 na isang self defense ang kaniyang ginawa.

Sinabi ni Harry Roque, abogado ng pamilya ni Laude, na isinalaysay ng US Marine kung paano niya napatay ang transgender.

Nagsasagawa ng oral sex sina Pemberton at Laude nang malaman ng Amerikano na may panglalaking ari ang biktima.

“Pemberton told the court he thought Laude just lost consciousness after he strangled her, which he considered an act of self defense,” kuwento ni Roque sa mga mamamahayag.

Sinabi pa ni Pemberton na dinala niya sa banyo si Laude para buhusan ng tubig para magising ngunit nang wala malamang walang tubig ay iniwan na niya ang biktima.

Nauna nang ibinahagi sa korte ng isang US serviceman na inamin ni Pemberton na sinakal niya si Laude matapos malaman ang tunay na kasarian nito sa loob ng isang paupahang kuwarto sa lungsod ng Olongapo nitong nakaraang taon.

AMERIKANO

BARBIE AND JENNIFER

HARRY ROQUE

IGINIIT

INAMIN

JENNIFER

PEMBERTON

QUOT

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SINABI

UNITED STATES MARINE LANCE CORPORAL JOSEPH SCOTT PEMBERTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with