Paliwanag ng DTI sa plywood hingi ng broker

MANILA, Philippines – Humihingi ng paliwanag ang ilang broker na nakabase sa Bureau of Customs kay Department of Trade and Industry Undersecretary Victorio Mario Dimagiba kung paanong naipalabas ang mga container van na naglalaman ng mga plywood samantalang kuwestiyo­nable umano ang mga dokumento nito.

Nabatid sa ilang broker sa BoC na pinayagan umano ng DTI na ma-release ang libo-libong container vans na naglalaman ng mga plywood na hindi umano ito dumaan sa inspection ng Bureau of Philippine Standard samantalang kuwestiyonable umano ang ilang mga dokumento nito.

Show comments