MANILA, Philippines – Isang ‘sea turtle’ o pawikan ang nasagip ng mga personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinaniniwalaang napadpad sa Manila Bay, sa bahagi ng Pier 13, Port Area, Maynila, kahapon.
Sinabi ni Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, habang nagpapatrulya ang kanilang mga tauhan nang biglang sumulpot ang pawikan sa tabi ng Coast Guard vessel AE 46 dakong alas-12:00 ng hapon kahapon.
Kahapon ay agad ding dinala ito sa Ninoy Aquino Park And Wildlife Center sa Quezon City ang naturang endangered species upang masuri kung may sakit o sugat ito na dapat gamutin bago iproseso ang disposition kung dapat itong muling pakawalan.