^

Bansa

Pagpiyansa ni Enrile, special accommodation – SC Justice

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maituturing na special accommodation ang desisyon ng Korte Suprema na pahintulutang magpiyansa si Sen. Juan Ponce Enrile.

Sa kanyang dissenting opinion, nababahala si Associate Justice Marvic Leonen na maghudyat ito ng panahon ng “selective justice” kung saan ang mga desisyon na pagbabasehan ay hindi na batay sa legal provisions kundi batay sa human compassion.

Ang mas masaklap, maaring bahain ang mga trial court at Sandiganbayan ng mga motion to fix bail na ang batayan ay humanitarian consi­derations.

Sa ganitong pagkakataon, kinakailangang magdesisyon ang mga lower court kung ang piyansa ay dapat bang igawad nang dahil sa edad o karamdaman o kung ang ganito bang pribilehiyo ay ipatutupad lamang sa mga senador at dating pangulo na inaakusahan ng pandarambong at hindi sa mga akusado sa drug trafficking, multiple incestous rape, serious illegal detention at iba pang krimen na may katapat na parusa na reclusion perpetua.

Para kay Leonen, ang desisyon ng mayorya sa Korte Suprema ay taliwas sa Rule of Law at maglalagay sa panganib sa legitimacy at katatagan ng buong judicial system.

Nanindigan din si Leo­nen na walang grave abuse of discretion sa panig ng Sandiganbayan nang ibasura nito ang hi­ling na makapagpyansa si Enrile lalu pa’t ang kundis­yon ng kanyang kalusugan at humanitarian consideration ay hindi naman kasama sa argumentong inilahad ng senador sa kanyang mosyon.

ACIRC

ANG

ASSOCIATE JUSTICE MARVIC LEONEN

ENRILE

JUAN PONCE ENRILE

KORTE SUPREMA

LEONEN

MAITUTURING

MGA

RULE OF LAW

SANDIGANBAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with