^

Bansa

Batanes, Cagayan signal 2 kay ‘Ineng’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy na nagbabanta ang bagyong Ineng sa Nor­thern Luzon.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Ineng ay namataan ng PAGASA sa layong 800 kilometro  silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 180 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 215 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas ang signal number 2 sa Batanes  Group of Islands at Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands. Samantalang signal number 1 sa Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte.

Si Ineng ay patuloy ang pagkilos pa-kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Sinasabing mababa ang tsansa ni Ineng na mag-landfall pero lalapit ng Batanes area at magbabago ng direksiyon papunta ng Taiwan o sa labas ng PAR sa Lunes.

Gayunman, makakaranas pa rin ng pag-uulan sa Luzon kasama ang Metro Manila gayundin ang Visayas dahil sa epekto ng habagat.

ABRA

ACIRC

ANG

BABUYAN GROUP OF ISLANDS

BATANES

GROUP OF ISLANDS

ILOCOS NORTE

INENG

LUZON

METRO MANILA

SI INENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with