Barangay kagawad kritikal sa duwelo
MANILA, Philippines – Kritikal sa Metropolitan Medical Center ang isang 47-anyos na barangay kagawad nang pagtatagain ng samurai ng isang kalugar na naka-engkwentro nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Danilo Chua, kagawad ng Barangay 237, Zone 22, District 2, at residente ng no. 1692 Antonio Rivera St., Tondo. Arestado at nakapiit naman sa Manila Police District-station 2 ang suspek na si Ren Ren dela Cruz, 33, residente rin ng nasabing barangay. Sa ulat sumugod umano si Dela Cruz dala ang samurai at tinapatan lamang ito ng kagawad ng patalim bilang depensa, kung saan inabot umano ng mga taga sa katawan at mga braso ang biktimang si Chua, habang minor na sugat lamang ang una.
- Latest