Smokey Mountain residents, nagprotesta

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga residente ng  Smokey Mountain kasabay nang paghiling kay Pangulong Noynoy Aquino  sa pagsibak kay Home Gua­ranty Corporation  president Manuel  Sanchez matapos na  labagin ang kasunduan  hinggil sa Smokey mountain dumpsite na kanilang  hana­p­buhay.

Ayon kay  Nenita Santiago, lider ng  mga beneficiaries ng  Smokey Mountain Development and Reclamation Project (SMDRP) sa Tondo, Manila nagtataka sila kung bakit nananatili si Sanchez sa HGC samantalang tapos na ang term nito  noong pang   Hulyo 2015.

Ani Santiago,  si  Sanchez lamang ang naging pangulong ng  HGC na nais na ibenta ang lahat ng  pagmamay-ari ng Smokey Mountain properties na kanilang  pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay.

Bagama’t mayroon silang  mga bahay sa 21 Tenement Buildings  na proyekto  ng dating Pangulong Cory Aquino, posible naman silang  mawalan ng pagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na  hanapbuhay dahil sa plano ng  HGC.

Marami aniya ang hindi na makakayang bayaran ang kanilang  monthly  amortizations sa pamahalaan na maaari pa ring tumaas. Tinatayang  aabot sa 6,000 residente ang  maaapektuhan ng pagbebenta ng Smokey Mountain properties.

Show comments