MANILA, Philippines – Pumanaw na kahapon ng hapon si dating Senador Agapito “Butz” Aquino na tiyuhin ni Pangulong Benigno C. Aquino III.
Agad na nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya Aquino si Senate President Franklin Drilon sa pamilya ng namayapang senador na naging miyembro ng Kongreso noong 9th Congress mula 1992 hanggang 1995.
“Nakikidalamhati ako sa buong bansa sa pagkawala ng isang mabuting kaibigan.
Binanggit rin ni Drilon na nagkaroon ng mahalagang papel si Aquino noong Edsa revolution at tumulong ito sa pagbuo ng iba’t-ibang organisasyon katulad ng August Twenty One Movement (ATOM).
Bilang isang senador, ang mga pamanang batas umano ni Aquino ay napapakinabangan ng bansa katulad ng Magna Carta for Small Farmers at maging ang Cooperative Code of the Philippines.
Ayon naman kay Senator Bam Aquino, “natural causes” ang ikinamatay ng kaniyang tiyo.