Corona babasahan ng sakdal sa Oktubre
MANILA, Philippines — Itinakda ng Sandiganbayan ang arraignment ng dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa Oktubre 15 dahil sa hindi pagbibigay ng tamang detalye ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).
Ayon sa abogadong si Dennis Pulma, eight counts ng perjury at eight counts ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Government Officials and Employees ang ihahatol kay Corona.
Nag-ugat ang kaso dahil sa kulang-kulang na SALN ni Corona mula 2004 hanggang 2011.
Napatalsik sa puwesto si Corona noong 2011 matapos tumayong impeachment court ang Senado.
- Latest