^

Bansa

‘Poe ‘pumila’ muna, magsakripisyo’

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza si Sen. Grace Poe na “pumila” muna at magsakripisyo bago siya sumabak sa pampanguluhang eleksyon sa susunod na taon.?

Ayon kay Atienza, bago mag-ambisyon si Poe na maging Presidente ng bansa, kailangang pumila muna ito sa dulo ng iba pang Presidential aspirants na mas hasa ng  karanasan at kakayahan tulad nina DILG Secretary Mar Roxas, Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Senadora Miriam Defensor Santiago at dating Senador Panfilo Lacson. 

Iginiit pa ni Atienza, na dapat maghintay muna si Poe dahil hindi maaaring may duda ang mga tao sa kanya, lalo na sa citizenship at residency nito.

Bukod dito, sinabi pa ng kongresista na dapat ding makita muna ang sakripisyo ni Poe para sa bayan dahil kung tutuusin, ilang taon pa lamang siya sa mundo ng politika at sa serbisyo-publiko.

Pabor din ang dating alkalde ng Maynila sa  inihaing kaso sa Senate Electoral Tribunal laban kay Poe.

Ito ay dahil sa ganitong paraan ay masusuri umanong mabuti ang katotohanan sa citizenship at residency issue nito bago tuluyang makapag-isip ang Senador kung tatakbong Presidente sa darating na halalan.

ATIENZA

AYON

BUHAY PARTYLIST

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

GRACE POE

LITO ATIENZA

SECRETARY MAR ROXAS

SENADOR PANFILO LACSON

SENADORA MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with