Success 200 hindi ‘good to be true’

MANILA, Philippines - Nilinaw ng pamunuan ng  isang marketing company na hindi sila ‘ to good to be true’ tulad na rin ng  iniaalok ng ibang  mga networking company sa bansa.

Sa isang  press conference, sinabi ni Kenneth Badiola, Pangulo ng  Success 200, lehitimo at naaayon sa batas ang kanilang   pagbebenta ng  produkto, Hindi ibinibigay ng  kompanya ang hindi maaaring pagsikapan ng isang indibiduwal na nais na  lumahok sa kanilang kompanya.

Aniya, hindi kailangan na maglabas ng mala­king halaga kung saan wala naman umanong malinaw na produktong binabayaran at sa halip ay puro pangako na  imposibleng maabot sa maikling panahon. Paliwanag ni  Badiolasa kanilang sistema nakadirektang nakikipagtransaksiyon  ang  sinumang bibili  ng produkto sa  kanilang  opisina.

Sinabi rin ni  Badiola na hindi nila ginagarantiyahan  ang pagkakaroon ng income at sa halip ay oportunidad upang kumita.

Kailangan lamang  na mai-promote at maibenta ng maayos ang produkto kahit sa pamamagitan ng  social  networking site upang maging mabilis ang  pagbebenta..

 

Show comments