Boarding house natupok sa sunog

MANILA, Philippines - Tinatayang  aabot sa P.1milyon halaga ng mga ari-arian ang napinsala matapos masunog ang isang  boarding house kung saan nadamay din ang 16 pang kabahayan, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ayon sa report ni Joshcar Bungalon, Palanan substation commander, ng Makati City Fire Department, nagsimula ang apoy alas-10:00 ng gabi  sa isang boarding house sa panulukan ng Casino at Filmore Sts., Brgy. Palanan, na may siyam na kuwarto na pawang mga  boarding house.

Hinala ng mga awtoridad faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog na naapula dakong alas-10:27 ng gabi.

 

Show comments